Ang EMO

 

Alam mo ba yung “emo”? Usong uso ngayon ang emo. Emo na music, emo pumorma, pati amoy emo na.

Madali mong malalaman na emo ang isang tao kapag mahilig sya sa kulay itim-mula ulo hanggang paa,itim. Mahilig magsuot ng dorky glasses kahit hindi naman malabo ang mata. One sided ang buhok at natatakpan ang mata. Madalas ding may nakapasak na earphone sa tenga. Yung mga marunong magdala e maayos sa paningin pero yung hindi maayos magdala ng porma na pang-emo, e napakabaho pag tinignan mo. Parang di naliligo.

Marami sa kabataan ngayon ang nag-i-emo-emohan. O sadyang emotero’t emotera talaga.

Marami sa kanila ang nagsasabing emo daw sila kahit hindi nila alam ang ibig sabihin ng salitang yon. Ang alam lang nila, isang uri genre yun ng musika na ang pagkakakaalam ko e hindi naman dapat talaga. Hindi ko na ipapaliwanag dito kase masyadong magiging mahaba.

Maraming kabataan na nuknukan ang pagkasiraulo dahil para masabi lang na ‘emo’ nga sila e nagpapakalulong sa mga music na may pagka emo kahit hindi naman nila naiintindihan ang lyrics ng kinakanta ng singer o bandang kumakanta ng pinapakinggan nila. At marami din ang proud na proud at pinangangalandakan ang mga larawan ng mga braso nilang puno ng hiwa, gawa ng paglalaslas. Marami kang makikitang ganon sa friendster. Ginagawa nila yun para masabing ‘emo’ nga sila. Para masabing cool sila. Hahahaha.

Napakalaking katarantaduhan ang mga pinaggagagawa ng mga taong ito sa sarili nila. Naglalaslas,nagtatangkang magpakamatay para lang masabing emo sila. Samantalang mayrong mga taong gumagastos ng milyon milyon, madugtungan lang ang buhay nila. At meron ding gumagastos,mawala lang ang mga marka ng sugat sa katawan nila.

Oo na sige na emo ka na. Hindi mo na kailangan maglaslas o kung ano pa. E pano kung matuluyan ka? Ano na?

Teka, bakit nga ba maraming emo?

Yung iba, nakikiuso. Yung iba naman, may family problem, yung iba broken hearted. Hahaha.

Nakakatawa no?

Hahaha.

Ang sa akin lang, kung sa tingin mo eh emo ka, e di emo ka. Hindi mo na kailangang ipangalandakan pa yun. Hindi mo na kailangang pumorma ng pormang ganun kahit di mo naman ‘carry’ dahil nga nagmumukha kang di naliligo. Sarilinin mo na lang. Hahahahah!

Bato bato sa langit ang tamaan sana magkabukol. Hohohoh.

 

Plengster Shoutouts

 

Simula ng magkaron ng shoutout ang friendster, dumami ang mga matalino-kuno na mga nilalang.

Marami sa kanila ingles ang shoutout, yung iba naman tagalog. Akala mo kung sinong matatalino, kinuha lang pala ang shoutout sa pelikula, lyrics ng kanta, tula, libro at iba pa. Hahahah!

Nakakatawa kase kapag bumibisita ako sa mga friends ko sa friendster. Akala mo ang gagaling. Mga makakata. Lyrics lang pala ng kanta yung nakalagay, yung iba naman pati text quotes inilalagay. Hahaha.

Yung mga nakasulat sa glitter graphics, mga linya sa pelikula at marami pa.

Mas maganda kung magiging orihinal ang ilalagay natin dun e.Yung mismong ikaw ang nag-isip. Atlis sayo nanggaling.

Ewan. Nakakatuwa kase. Hahaha. Walang pakelamanan gusto kong pansinin yun e. Bakit ba? Hahahaha!

 

Hindi ko akalain

 

Hindi ko lubos maisip na darating ang araw na ‘to.  Hindi sumagi sa isip ko na hahantong ang lahat sa ganito. Ang akala kong drama, ngayon nararanasan ko na. Ang akala kong biro,  totoo na pala.

Habang isinusulat ko ito, walang patid ang pagluha ng mata ko. Totoo ba ito? Pilit ko mang kumbinsihin ang sarili kong isang bangungot ang lahat ng nangyayari ngayon sa buhay ko, wala akong magawa, totoo ito. Totoong totoo.

3 days, bago ang araw na ito, masaya ang pamilya namin. Masaya kami nila mama. Niyayakap nya pa ako. Nagbibiro, nagbe-baby talk. Masigla sya. Pinagalitan nya pa nga kami kasi nag-away na naman kami ni kuya. Naiiirita talaga ako kapag sinimulan nya ang pagsesermon. Ang lakas ng boses nya. Nakakairita. Parang may pabasa ng pasyon kapag natatalak sya. Asar talaga.

Kinabukasan, Nagulat ako dahil tumawag si papa. Nasa ospital daw si mama. Pumunta daw kami dun dahil walang magbabantay. Pumunta nga ako dun. Binantayan namin si mama pero wala naman akong ibang naramdaman. Hindi ako natatakot o ano man. Normal lang. Lumabas din sya kinabukasan. Pero iba na sya. Hindi gaanong nagsasalita. Matamlay. Nanghihina. 2 araw ko na ring hindi naririnig ang malakas nyang boses. 2 araw nya na akong hindi nalalambing. Nakahiga lang sya. Nanghihina.

Eto pala  yung sinasabi nila na ‘paano kapag bumigay na sila’.

Eto na. Nangyari na.

Ang dating kinaiinisan kong malakas na boses, ang kinaaasaran kong sermon, hinahanap hanap ko na.

Gusto kong marinig uli ang boses na yun.

Nasan na? Nasan na?

Hindi ko mapigilang umiyak dahil hindi ako sanay na nakikitang ganun ang mama ko.

Natutulog si mama.Tumabi ako sa kanya habang umiiyak.

“Mama, magpagaling ka na, ha?”

Hindi sya sumasagot. Hindi ko napigilang humagulgol ng makita kong may tumulong luha sa mata nya.

Bigla syang dumilat, nagsalita.

“Manalangin tayo. Sya lang ang makakapagpagaling sa akin”

Sa puntong to, nais ko sanang hilingin sa inyo na isama ang mama ko sa mga panalangin nyo. Sana ipanalangin nyo ang mabilis na paggaling nya.

Hindi muna ako magiging aktibo sa cyberworld. Aalagaan ko muna ang mama ko.

Alam kong kakayanin namin to, sa tulong at awa ng Dios.

 
Pages: Prev 1 2 3 4 5 6 7 Next