Ang PINAKA nakakaasar na testi sa Friendster
Alam mo ba kung ano ang pinaka nakakaasar na testi sa friendster? Ako alam ko. Gusto mo malaman kung ano? Heto’t sasabihin ko.
Ang pinaka nakakaasar, nakakabwisit, nakakabanas na testi o comment sa friendster, bukod dun sa mga tinetesti na malalaki o dambuhalang graphics e yung mga picture ng mismong nagtesti sayo.
Ibig kong sabihin, ang itetesti sayo e yung picture nila. Yung mukha nila. Pete’s sake. What the flying fudge.
Ano naman ang gagawin natin sa testi nilang yon? Anak ng lasing na kamote. Ano ba ang nasa isip nila at tinetesti nila ang mga pagmumukha nila? Para ipaaalam na may bagong picture sila? Para ipangalandakang proud na proud sila sa mga mukha nila kahit yung iba e hindi naman dapat maging proud (hahaha). Ano ba?
Nakakaasar kase. Kayo ba hindi naaasar kapag tinetestihan kayo ng ganon? Yung mga tipon picture nila na nilagyan lang ng glitters at mga puso at iba pang design tapos i-a-upload at ika-copy paste at ikocomment sayo. Pwes ako naaasar. Hindi ko inaaprub at binubura ko sa friends list ko. Bwhahahahah.
Hindi ko alam kung bakit ko sinusulat to.