Ito ang USO.

 

Natatawa ako kanina nung nanonood ako ng news. Meron kase akong napansin. Bakit kaya laging nangyayari yun kapag may kontrobersya? Yun ba uso ngayon? Nagtataka ka siguro kung ano yung tinutukoy ko no? Hehehe.

Uso ba ang pagkakasakit ng mga politiko o matataas na tao sa tuwing masasangkot sila sa isang gulo? Kapag may kontrobersya o mga isyu ng corruption at kailangan imbestigahan ang isang politiko o isang mataas na tao (hindi ko tinutukoy ang height), ang pinakamadalas na nangyayari e yung mapabalita na may malubhang sakit ito. Si FG Mike Arroyo di ba nagkasakit sya nung kalagitnaan nung kontrobersya patungkol sa kanya (pasensya nakalimutan ko), si Jocjoc Bolante at marami pang iba.. Ngayon naman e yung sa Legacy. Bwahahaha! Pasensya at hindi ko alam ang pangalan nya at hindi ko tinandaan. Kung gusto nyo e i-search nyo na lang. May cancer daw sya. Bwahaha. Bakit kaya yun ang usong -uso sa mga ganung klaseng tao? Makakalusot ba sila kapag may malubhang sakit sila o ginagamit nila ito para makaiwas sa pagiimbestiga? Ewan.

 

Manhid Daw.

 

Meron akong natanggap na group message mula sa isang kaibigan. Nagrereklamo sya dahil napakamanhid daw ng isang lalakeng gustong gusto nya.

Hindi ko pinansin nung una. Kase syempre, wala akong load at kung meron man, wala rin akong balak na reply-an yun. E kaso wala akong magawa at nagkataon namang hindi ko pa dinedelete and text na yun, binasa ko uli at napaisip ako.

Bakit naman reklamo ng reklamo tong babae na to. Ano tong sinasabing manhid? Para sa akin kase wala talagang taong manhid.

2 lang ang pwedeng maging dahilan kung bakit iniisip ng tao na manhid ang isang nilalang. Hahaha.

Una, baka naman hindi mo sinasabi sa kanya yung nararamdaman mo.  Aba e, mahirap manghula. Mahirap din mag assume. Baka naman pag nag assume sya e mapahiya lang sya.  Kaya kung hindi mo pa naman sinasabi sa kanya, e wag mo namang paratangan yung tao na manhid sya.

Ikalawa, kung alam na nya ang nararamdaman mo at feeling mo e wala pa ring kwenta sa kanya, e baka naman hindi ka nya talaga gusto. At ayaw ka lang nya saktan kaya hindi nya sinasabi sayo. Ano ba ang gusto mo? Marinig mula sa kanya na “AYAW KO SAYO!“?

Matuto ka ring makiramdam. Kung nararamdaman mo na ang rejection, kahit di nya pa sinasabi e, tumigil ka na at wag kang mambulabog ng mga taong naka-store sa phonebook mo ang no. para lang magreklamo na manhid ang taong gusto mo, dahil sa totoo lang e naistorbo mo ako sa pagtunganga ko. Hahaha.

 

Uso ba?

 

Napapansin ko, marami sa mga kabataan ngayon ang in love daw. Madami akong nababasa friendster bulletin na in love daw sila, hindi daw nila alam ang gagawin at kung anu-ano pa. Bakit ba maraming ganun? Uso ba ngayon ang ma-in love?

Narito ang komento ko sa mga kalokohan nyo.

Mga iho at ineng, hindi po kayo in love o kung ano man ang tawag nyo dyan. Siguradong infatuation lang yan. O pagsintang pururut. Hahaha! Aba e, ilang taon na ba kayo? 12, 13,14, 16, 17, 18,19 aba! Pano mo masasabing in love ka na nyan. Sabi nga ni Ate Apol sakin, chicken shit lang yan. Baka magulat kayo kapag naranasan nyo ang tunay na feeling ng inlove (ayon kay ate apol). Tsk tsk. Halos pareho ang nararamdaman ng isang tao kapag infatuated o in love. Kaya nga madalas na napagkakamalang love ang infatuation.

Wag kayong papadala sa mga nararamdaman nyo. Hindi ka in love. Natatae ka lang. Tapusin nyo muna yung mga dapat nyong tapusin. Maglingkod muna kayo sa Dios. Aba, aba! Sa una lang masarap ang pagsyosyota na ean, sa huli magsasawa ka rin, maniwala ka. Lalo na kung hindi pa talaga LOVE yang nararamdaman mo. E yung mga mag-asawa nga lang di ba, nagkakasawaan din, naghihiwalay.

Tsaka isa pa, pwede kang masaktan dyan sa kalokohan na yan, at pag nasaktan ka, maari kang maging emo, at pag naging emo ka, maaring ayaw mo ng buksan ang puso mo di ba? O e pano kung dumating yung talagang para sayo? Hahahah. Isipin mo nga.

Tsaka ang MAHAL na ng bigas no! Gets mo ba?

Kaya tigilan nyo yang kalokohan na yan. Hohoh. Sarilinin nyo na lang. ;)

Ok lang magkacrush. Gawin nyong inspirasyon yun. Maganda yun, pero yung syosyotain nyo na agad, sasabihin nyong in love kayo at sasaktan nyo ang sarili nyo dahil yung kinaiinlaban mo e may ibang gusto, aba e, katangahan yan. Okaay?

Wag nyong sabihing, ok lang maging tanga basta para sa taong mahal mo kuno. Wag ganun. Ang korni.

Maari nyong sabihing wala akong karapatang sabihin tong mga bagay na to, pero blog ko to at opinyon ko to. Walang kayong care. Kung gusto nyo, magcomment kayo para ipagtanggol ang mga kalokohan nyo. Hahaha.

Dati rin akong nagpopost sa bulletin ng ganyang mga kalokohan sa buhay. Isa lang masasabi ko. Pinagsisihan kong naging ganun ako katanga. Kadiri. Kadiri yung ginawa ko. Hindi ko sinasabing kadiri kayo. Yung ginawa nyo. Hohohoh. Peace tayo.

 
Pages: Prev 1 2 3 4 5 6 7 Next