Kung Bakit Kailangang Mainit Ang Kape…
Alam mo ba kung bakit mainit dapat ang kape kapag hinahanda samantalang pinapalamig din naman bago inumin?
Naitanong mo na ba yan sa sarili mo? Ako, oo. At dahil nga sa sobrang kalikutan ng aking isip, napagdesisyunan kong magtanong tanong sa mga tambay, sa mga pusang naglalakad, sa mga aso at sa kung sinong nilalang ang mahagip ng mga mata ko.
——-
izekreem: Bakit ho kaya kailangang mainit ang kape pag hinahanda samantalang pinapalamig naman bago inumin?
boy1: mas masarap pag mainit.
izekreem: pag kayo ho ba umiinom ng kape e derecho agad sa bibig? hindi nyo na pinapalamig? hindi ho kaya nakakapaso yun?
boy1: syempre pinapalamig.
izekreem: e bat ho kailangan pang painitin o pakuluin?
boy1: Uhhhhhhhhhh……… (?)
–
izekreem: Bakit ho kaya………
pusa: *takbo palayo sa akin..
izekreem: T.T
–
izekreem: Bakit ho kaya….
aso: Arf! Arf! Grrrrr!!!!
izekreem: *takbo palayo sa aso.
–
izekreem: Bakit….
boy2: trip nila e. ano pake mo?!!
izekreem: Ahhh…. okey???
–
izekreem: Bakit..
boy3: para magising.
izekreem: yung mainit na tubig po ba yung nakakapagpagising dun?
boy3: Oo. pag napaso ka, tignan ko lang kung di ka magising.
izekreem: ahh……… (?)
–
izekreem: Bakit….
puno: …….
izekreem: ahhhh… thank you.
–
Ang galing no? Andaming matututunan sa pagtatanong. Pero ilang pagtatanong pa e nakahanap na rin ako ng kasagutan na nakakumbinse sa akin.
izekreem: Bakit…
boy4: Ganito kase yan.. Noong araw e wala pang instant coffee. barako ang gamit nun. Bago ka makainom ng kape, kailangan mo munang pakuluan yung barako sa tubig para maglasang kape…
izekreem: e bakit ngayong may instant coffee na e kailngan pa rin ng mainit na tubig. e pwede ng tunawin yun sa malamig na tubig ah. di ba may iced coffe na?
boy4: kase syempre nasanay na rin ang tao na hinahanda ang kape ng mainit at pinapalamig ng konti bago inumin para hindi mapaso. Kelan na lang naman lumabas yang mga instant coffe na yan. Kaya ngayon din lang nagkaron ng mga iced coffee.
izekreem: Ahhhhhhh!!!!!!
O, kayo na ang bahalng humatol sa sagot nya. Sana may natutunan kayong mahalagang aral sa entry ko na to.
(Hindi magandang ideya ang magtanong sa puno, pusa, at aso. Bukod sa wala kang makukuhang sagot e maaari pa itong magdulot ng sakit sa katawan.)
Alam kong gasgas na gasgas na ang linyang yan pero kahit gaano pa kagasgas yan e palagi ko pa rin yang naririnig sa mga taong iniwan o iiwan pa lamang ng kanilang minamahal.







