Hindi Ko Kayang Mabuhay Kung Wala Ka!
Alam kong gasgas na gasgas na ang linyang yan pero kahit gaano pa kagasgas yan e palagi ko pa rin yang naririnig sa mga taong iniwan o iiwan pa lamang ng kanilang minamahal.
Na hindi daw nila kayang mabuhay na wala ang kanilang mga minamahal, na walang silbi ang mga buhay nila kung hindi rin lang nila kasama ang kanilang mga minamahal.
Well, isa lang ang masasabi ko.
Isang malaking KAGAGUHAN.
Isa kayo sa mga tinatawag na TaranGago.
Oo, yun nga kayo.
Isipin mo nga. Ilang taon ka nung nakilala mo yan taong sinasabi mong dahilang ng pagkabuhay mo, (hahaha). Sabihin na nating 15 anyos ka ng makilala mo yun (tutal e uso sa mga kabataan ang ganyan). Ibig sabihin lang nun e nabuhay ka sa mundo ng 15 taon na wala sa buhay mo ang taong yan. Ano ang isa pang ibig sabihin? E di kaya mo nga na mabuhay na wala yan.
Tama di ba?
Kaya wag kangĀ magpaka-emo at ipagsigawan sa buong mundo na hindi mo kaya chu chu ek ek blah blah blah..
Kaya mo, okey? Itae mo na lang yan.