Para Sa Mga Gustong Magpakamatay
Kung sawang sawa ka na sa buhay mo dito sa mundo.. Kung puro kabiguan at kasawian ang natatamo mo.. Kung wala ka ng ibang paraang maisip kundi ang tapusin ang buhay mo.. Para sayo ang blog entry na to. Kaya kung nasa tiyempong magbibigti ka na, maglalason o maglalaslas ng pulso, pakitigil mo na yan at pakibasa muna itong mga sasabihin ko. 5 Minutes lang. Okey?

Hindi solusyon ang pagpapakamatay sa hirap ng buhay. Una, ano ba akala mo sa sarili mo? Special ka? Hindi lang naman ikaw ang naghihirap sa mundo. Maraming tao ang kagaya mo. Kagaya natin. Makikita mo naman sa telebisyon na maraming tao ang naghihirap ngayon. E kung yung marami ngang tao na yun e nakakapagtiis sa kahirapan ng buhay, bakit ikaw, gusto mo tapusin na agad?
Isa pa, hindi naman ikaw ang may-ari ng buhay mo. Pinahiram lang yan sayo. Dapat nga at magpasalamat ka pa at binigyan ka ng pagkakataong mabuhay dito sa mundo.
Bakit? Akala mo ba e, pag nagpakamatay ka matatapos lahat ng paghihirap mo? Naku, mali ang paniniwala mo. Hindi naman lingid sa kaaalaman natin na isang napakalaking kasalanan ang pagpapakamatay. Paano kapag napunta ka sa impyerno? E triple o higit pa ang paghihirap ang mararamdaman mo dun! Imagine, lalangoy ka sa dagat-dagatang apoy forever! Yung mapaso ka nga lang e, hindi mo na matagalan, yun pa kayang mapapaso ka na walang katapusan? Isipin mo nga yan!
Ang magandang gawin mo, kahit na naghihirap ka e, magtiis ka! Gumawa ka ng mabuti, magbalik loob ka sa Dios. At sa mga panahong pakiramdam mo e hindi mo na kaya e, tumawag ka sa kanya. Tumiwala ka sa kanya. Mararamdaman mo ang paglingap nya! Kung gugugulin mo ang panahon mo dito sa lupa sa paglilingkod sa Dios– sa paggawa ng mabuti, tiyak na matatapos ang paghihirap mo! Hindi man sa buhay ngayon, doon sa kabilang buhay! Sabi nga diba, doon sa kalangitan walang hapis, walang lungkot.
Kaya itigil mo yan. Wag na wag mong iisipin gawin yan. Mas maganda ngang nararanasan mo yang mga ganyang bagay ngayon. Kasi, sa kabilang buhay, sa buhay na walang hanggan, mas maaappreciate mo yung mararanasan mo dun.
Nakakagulat talaga sa tuwing titignan ko ang status ng blog ko at makikita ko ang hindi kapanipaniwalang hits ng isinulat ko na
~Mahaba ang buhok. Tol. Ang baho mong tignan sa totoo lang.